angela marie's posts with tag: election 2007

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag election 2007
BATAS PARTYLIST

1. Libreng Edukasyon sa Kolehiyo para
sa
mga kabataang mabababa at ordinaryo
lamang ang mga grado, at hindi mga
valedictorian o mga salutatorian o may
honor, pero ito ay may tatlong
kondisyon:

• Kailangang pumapasok sa klase
araw-araw ang estudyante.

• Kailangang pasado siya sa
kanyang lahat ng subjects, kahit na 75%
o 3 lamang ang kanyang mga grado.

• Kailangang may pagnanais siyang
makatapos ng kanyang kurso sa Kolehiyo.

2. Libreng Abogado

• Pagpapalakas sa PAO (o Public
Attorney’s Office) ng Department of
Justice, sa pamamagitan ng pagpapataas
ng kanilang suweldo at pagbibigay sa
kanila ng mga trainings at mga seminars
sa batas.

• Pag-aatas sa mga pribadong
abogado sa buong Pilipinas na magbigay
ng libreng serbisyo o tulong legal
kahit
na isang araw lamang sa isang lingo, sa
mga lugar kung saan sila nakatira o
nagtatrabaho bilang abogado.

3.A. Pagpataw ng kaparusahang
habambuhay
na pagkakabilanggo sa hindi pagbabayad
ng tamang sahod at mga benepisyo,
kasama
na ang hindi pagre-remit ng mga SSS,
GSIS at iba pang kontribusyong kinaltas
mula sa mga manggagawa.

3.B. Pagpapalaki sa maiuuwing sahod ng
mga manggagawa sa pamamagitan ng
pagpapatigil ng koleksiyon ng
withholding taxes, SSS, Pag-IBIG at mga
Health Care Premiums mula sa kanilang
mga sahod, at pag-aatas sa kanilang mga
employers na ang mga employers na ito
na
lamang ang magbabayad ng mga ito. Upang
mabawi naman ng employers ang mga
ibinayad nilang ito para sa mga
manggagawa. Pupuwede nila itong ituring
na gastos sa pagnenegosyo na maaaring
kaltasin sa kanilang mga bayaring
buwis.

4.A. Pagrerepaso at pagbabago ng salary
Standardization Law na nakakasakop sa
mga manggagawa sa gobyerno, upang
maitaas ang kanilang mga suweldo.

4.B. Pagpapataas din ng kanilang
maiuuwing sahod sa pamamagitan ng mga
sumusunod:

• Libreng Edukasyon para sa kanilang
mga anak sa mga tampok at magagaling ng
mga state colleges at Universities.

• Pagbibigay ng kapaki-pakinabang na
mga discounts sa Transportasyon, gamot,
entertainment at mga libro at mga
pangangailangang edukasyonal ng kanlang
mga anak, kagaya ng mga discounts na
ibinibigay sa mga senior citizens.

• Subsidized housing projects.

5. Agarang pagbibigay sa mga magsasaka
ng titulo sa lupang kanilang sinasaka.
Ang gobyerno na lamang ang bahalang
magbabayad ng halaga ng mga lupang ito
sa kanilang may-ari.

6. Pagpapalakas ng mga tulong legal at
iba pang assistance sa mga OFWs, batay
na din sa migrant workers act of 1995,
upang mabigyan sila ng sapat na lakas
upang tugunan ang kanilang mga problema
dito at sa labas ng bansa.

7. Ipapatigil ang sistema ng
contractualization sa hanay ng mga
manggagawa.

© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help